Bansang Apostolado, Lungga ng mga Tarantado
Sunday, 06.27.2010, 09:18pm (GMT-5)
Matay mang isipin, di ko matagpuan Ang sagot sa isang simpleng katanungan; Bakit tayong Pinoys – maka-Dios na tanan – Labis na sugapa ‘pag sa kasamaan…?
Buong Kapuluan, kapag Biernes Santo, Nagpe-Penitensia ang libong Deboto, May ipinapako sa mga Kalbaryo, Ngunit k’abukasan, Asal ding Demonyo.
Saka doon naman sa Quiapo’t Baclaran, Taong pala-simba, sindami ng Langgam; Pero doon mismo sa kapaligiran, Mga Mandurukot, “nagha-hanap-buhay.”
Mga Pari natin at mga Obispo, Sa Sermon, bawal daw, Jueteng at Casino, Ngunit mga Lider ng Simbahan mismo, Halos gabi-gabi, Masterminds ng Binggo!
Dahil sa ganitong mga Impluensia, Walang masulingan ang ating konsiensia; Tinatalikdan ta, Bahay na may Grasya, Nguni’t Terrorista sa Silangang Asia?
Gang ng Abu Sayyaf, Kampon ni Bin Ladin, Kidnap na may Ransom ay Terror sa atin; At itong N.P.A., Garapal at Sakim, Army dapat silang Bombahin, Lipol-in!
Hinhi tayo sanay sa Buhay-Disente, Tingni’t nina-Nakaw, Meralcong Koryente; Tambak ang Panindang U.S.Brands na Peke, Peke rin, Timbangan sa mga Palengke!
Kung masasagot ko yaring katanungan, Siguradong ako’y tatanghaling… Paham; Subalit ‘pag ako ay mag-Balikbayan, Bubugbugin tiyak sa Sariling Bayan…!
| Other Articles: |
 |
Why shop at Walmart? (04.26.2010, 09:38pm) |
 |
Paraclae - our legend and languange (04.21.2010, 09:48pm) |
 |
Did you know.....? (03.23.2010, 07:36am) |
 |
45 Lessons in Life (03.23.2010, 07:16am) |
 |
Hala na, Mahal ko! (02.22.2010, 12:15am) |
 |
The First always the Best (12.28.2009, 10:09pm) |
 |
An Old Maid Experience (09.25.2009, 06:54pm) |
 |
Computer po ang dahilan na ako’y biuda na naman (08.25.2009, 08:39pm) |
 |
Flips Quiz (08.24.2009, 08:16pm) |
 |
Sa Digmaan sa Mindanao, biktima'y sibilyan (07.25.2009, 09:29am) |
 |
A job in Manila (07.25.2009, 08:58am) |
 |
Animal Name & the Golden Poem (06.28.2009, 06:15pm) |
 |
Liham sa aking Ina (05.29.2009, 09:43pm) |
 |
Sa dalawang apo, surrender ang lolo (04.20.2009, 09:41pm) |
 |
Sa piling ng dalawang apo (04.20.2009, 09:40pm) |
|