Home / Lifestyle / Gary V tuwang-tuwa sa resulta ng mga medical test: Thank God, I’m good!

Gary V tuwang-tuwa sa resulta ng mga medical test: Thank God, I’m good!

FEELING blessed pa rin si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kabila ng nagaganap na pandemya sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Muling sumailalim ang Kapamilya singer sa series of medical test kamakailan na bahagi pa rin ng regular monitoring ng kanyang health condition.

Ito’y para malaman ang kundisyon ng kanyang katawan at kung hindi na bumalik ang cancer na dumapo sa kanya dalawang taon na ang nakararaan.

Nitong nagdaang Huwebes, nag-post ang OPM icon ng video sa Instagram kung saan nagbigay siya ng update about his health condition.

Ipinakita ni Gary sa kanyang fans at IG followers ang ginawang paghahanda sa pagpunta sa isang ospital para sa kanyang medical test. Ipinasilip din niya ang pasilidad kung saan siya isi-CT scan.

“The testing is supposed to determine if everything is okay inside, or if anything has tried to make its way back into my body since 2018,” pahayag ng award-winning singer-actor.

Aminado si Gary na medyo may kaba siyang nararamdaman sa muling pagpunta sa ospital para magpatingin pero nananatiling positibo ang kanyang pananaw, “I’m believing I’m okay.”

“I just wanted to share this with those of you who may have had to encounter things like this, dealing with the big C.

“But don’t fear. Through it all, there’s a bigger C. That’s Christ, who’s with us. Whether are not we’re going through anything, He’s always with us,” ang bahagi pa ng pahayag ni Gary V.

At sa huling bahagi ng IG video ng Kapamilya star, tuwang-tuwa niyang ibinalita kung ano ang resulta ng kanyang medical test. Aniya, “I’m good. Thank God. I’m good.”

Ilang beses nang sinabi ni Gary na itinuturing niyang “himala” ang kanyang paggaling matapos ma-diagnose ng cancer noong 2018.

Bukod dito, ilang beses din siyang sumailalim sa medical procedures, kabilang na ang open-heart surgery at ang operasyon para matanggal ang malignant tumor sa kanyang kidney.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

index.php

PACK NA PACK (YOUR BAGS): Make Baguio your first weekend destination

Baguio is reopening to NCR tourists this week! Here’s a list of safe hotels you …