Home / Philippine News / Cainta, Rizal pinakamayamang munisipalidad sa bansa

Cainta, Rizal pinakamayamang munisipalidad sa bansa

Nananatiling pinakamayamang munisipalidad sa buong bansa ang bayan ng Cainta sa Rizal, ayon sa report ng Commission on Audit.

Napanatili ng Cainta sa loob ng walong taon ang pagiging pinakamayamang munisipalidad sa buong bansa matapos itong makapagatala ng nP4.933 bilyon na total asset noong 2019, mas mataas ng P496 milyon sa naitala noong 2018.

Ikinatuwa ni Mayor Johnielle Keith “Kit” Nieto ang balita , kasabay ang pagsasabi na napanatili nito ang yaman ng munisipalidad kahit pa patuloy ang ginagawa nitong medical assistance sa mga residente niot.

“Wealthiest town tayo kahit na naglalabas tayo daily ng cash medical assistance sa lahat ng mga humihingi ng tulong sa gobyerno,” pahayag ng alkalde sa kanyang Facebook page.

“Sa dami ng mga social service projects natin na ginastusan natin ng malaki para malibre ang mga tao sa gastos, nanatili ang Cainta bilang pinakamayamang bayan sa Pilipinas… for 8 straight years,” dagdag pa nito.

Sumunod sa Cainta na pinakamayaman ay ang Limay, Bataan na nakapagtala ng P4.065 bilyon; Silang, Cavite, P3.842 bilyon; Mariveles, Bataan, P3.076 bilyon; Sual, Pangasinan P2.989 bilyon; Caluya, Antique, P2.904 bilyon; Binangonan, Rizal, P2.336 bilyon; Tanay, Rizal, P2.209 bilyon; Calaca, Batangas, P2.120 bilyon; at Carmona, Cavite, P2.075 billion.

Ang Makati City naman ang nakapagtala bilang pinakamayamang syudad sa buong bansa na may P233.7 bilyon, habang Cebu naman ang pinakamayamang lalawigan na may assets na P203 bilyon.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

index.php

‘Lumad school volunteer moved from detention without knowledge of counsel, family’

Photo shows personnel of Police Regional Office-7 swarming students of a Lumad school in Cebu …