Wednesday , December 1 2021
Home / Philippine News / Construction worker na walang mask kalaboso sa paninipa ng mga sumita sa kanya

Construction worker na walang mask kalaboso sa paninipa ng mga sumita sa kanya

Isang construction worker ang inaresto ng mga awtoridad matapos na manlaban at pagsisipain pa ang mga barangay tanod na sumita sa kanya sa Lungsod ng Malabon kaninang hatinggabi.

Sa ulat nina PSSg. Mardelio Osting at PSSg. Diego Ngippol ng Malabon City Police ay ganap na alas -12:00 ng hatinggabi nang tuluyan nang arestuhin ang suspek na si Angelo Torres, 20 anyos, binata, construction worker at residente ng Guava St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Bago iyon ay sinita umano ang suspek ng mga barangay tanod ng nasabing lugar matapos na mamataan nila itong naglalakad ng walang suot na facemask at lagpas curfew na ay nasa lansangan pa.

Agad nila itong inimbitahan sa kanilang himpilan ngunit pagdating doon at malamang titiketan na pala siya ay bigla na lamang umano itong nagalit at nagwala.

Mabilis naman siyang inawat ng mga tauhan ng barangay ngunit sa halip na huminahon ay lalo umano itong nagwala at pinasisipa pa ang lahat ng lumapit sa kanyang aawat.

Ilang sandali pa dumating na rin ang pulisya na pinagmumura din ng suspek, doon pa lang siya napagkaisahan awatin hanggang tuluyan nang maposasan.

Nasa kustodiya na ngayon ng Malabon City detention cell ang suspek at bukod sa paglabag sa ordinansa ay mahaharap na rin sa kasong Direct Assault at Alarms and Scandal.

***
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

index.php

Zambo City mayor mulls allowing kids in public places

City Hall of Zamboanga (PNA file photo) ZAMBOANGA CITY – The local Inter-Agency Task Force …