Home / Philippine News / Teacher kalaboso sa pakikipagrelasyon sa kanyang estudyante

Teacher kalaboso sa pakikipagrelasyon sa kanyang estudyante

Sa kulungan ang bagsak ng isang guro matapos umanong akitin at makipagrelasyon sa kanyang menor de edad pang estudyante sa Lalawigan ng Isabela.

Sa ulat ni PCol. James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ay kinilala ang suspek na si Mike Jimbo Baloran, 24 anyos, may asawa, guro at residente ng Barangay Turod, Cordon ng nasabing lalawigan.

Sinampahan ng kasong Qualified Seduction ang suspek na ibinaba ni Judge Nicasio Bautista III ng Regional Trial Court Branch 21, Santiago.

Napagalaman na dalawang taon na umano ang nakakalipas nang ireklamo si Baloran ng magulang ng 16-anyos niya noong estudyante.

Aminado naman ang biktima sa kanilang relasyon ng guro, ngunit dahil sa menor de edad pa nga ang kanilang anak ay nanindigan ang kanyang mga magulang nito na may nilabag sa batas ang suspek at tuluyan pa rin itong sinampahan ng kaso.

***
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

index.php

PH logs 830 new Covid-19 recoveries; active cases down to 13.5K

MANILA – The country’s total number of recovered coronavirus disease 2019 (Covid-19) cases has reached …