Saturday , November 27 2021
Home / Philippine News / Yemen national, kalaboso sa tanim na damo

Yemen national, kalaboso sa tanim na damo

Isang estudyanteng Yemen National ang naaresto ng mga awtoridad matapos na salakayin ang kanyang bahay at marecover ang kanyang mga tanim na marijuana sa Baguio City, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Gil Castro ay kinilala ang suspek na si Hussain Muaad Hasan, 21, Alyas Muath Yaf, nag-aaral sa Maynila at pansamantalang nanunukuyan sa isang bahay sa Brgy. Bakakeng Central ng nasabing lungsod.

Ganap na alas -4:00 pasado ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ng PDEA-Cordillera Administrative Region (CAR), Baguio City Police Station 10, Criminal Investigation Unit at Drugs Enforcement Unit sa bisa ng search warrant No. 747-348-2021 na inilabas ng RTC Branch 5, Baguio City ang bahay na tinutuluyan ni Hasan kung saan ay narecover ang kanyang mga fully grown na nakapasong mga marijuana.

Bukod sa mga iyon ay narecover din sa kanya ang anim na gramong marijuana stalks na may street value na P720.00.

Napagalaman ding matagal na umanong minamanmanan si Hasan dahil na rin sa mga reklamong natatanggap ng mga awtoridad na kapag umano sabog sa droga ang suspek kasama ang mga kaibigan ay napaka ingay umano at nakakabulahaw sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na rin ng nasabing himpilan ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

***
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

index.php

Court to hear DOJ appeal of dismissal of drug case vs Ongpin next week

Headlines Court to hear DOJ appeal of dismissal of drug case vs Ongpin next week …