Home / Community Roundup / Pagbubuklod ng mga mga creatives isinusulong ng Likha Filipino Cultural Hub
  • OLG

Pagbubuklod ng mga mga creatives isinusulong ng Likha Filipino Cultural Hub

Nagtipon-tipon ang mahigit 30 na katao mula sa iba’t ibang Filipino organizasyons sa bagong bukas na Islas restaurant sa Bathurst and Wilson noong June 14, upang pag-usapan kung paano pauusbungin at buuin ang komunidad ng mga artists at creatives sa Ontario.

Ito ay pinamunuan ng Likha Filipino Cultural Hub na binubuo nina Nova De Leon, Paula Jacobs at Gretchen Mangahas.

Ang Likha ay isang cultural enterprise na naglalayong suportahan ang mga Filipino creatives upang palaguin ang industriya ng Philippine culture and arts at gamitin itong tuntungan para sa education at re-education hindi lamang ng mga Filipino migrants, kundi pa ang mas malawak na komunidad.

Ayon kay Paula, layunin ng Likha na mag-invest sa mga artists and entrepreneurs lalo na ang mga kabataan na siyang kinikilalang magpapatuloy sa kultura, tradition, mabubuting asal at paggawa na minsan ay nalilimutan ng mga pamilyang Pilipinong naninirahan na sa ibang bansa. Dagdag pa ni Paula, ang kultura ang siyang pundasyon ng pagiging matatag at mapagmahal sa kapwa at kalikasan ng mga Pilipino upang mabuhay ng mawasay ang kanilang mga pamilya at komunidad.

Bilang pangunahing programa, inilunsad ng Likha ang Salo-salo+ (plus) na kumakatawan sa mga adhikain nito. Ito ay serye ng limang events mula July hanggang November na pagsasamahin ang pagkaing Pilipino at ang iba’t ibang elemento ng sining tulad ng sayaw, musika, at pagsusulat, at ang pag-aaral tungkol sa kultura. Karamihan sa mga events na ito ay gaganapin sa Out of the Blue Lifestyle farm, isang 88-acre na lupain na may iba’t ibang espasyong maaring gamitin para sa mga workshops at events.

“Ang Salo-salo+ (plus) ay hindi lamang isang event. Ito ay isang buong experience na bukod sa panunuod ng performances o shows, ang pinakamahalaga ay may matutunan ang mga dadalo tungkol sa kanilang kultura at kasaysayan,” banggit ni Nova. Bilang karagdagan, sinabi din ni Nova na ang pag-aaral muli sa sariling kultura ay malaking pundasyon sa pagbuo ng Filipino iden

ty ng mga migranteng nasa ibang bansa, lalo na ng susunod pang henerasyon.

Ang pinakaunang event ng Salo-salo+ ay ang Kundiman, Harana, atbp: Salaysay ng Awiting Pilipino na gaganapin sa July 12 sa Out of the Blue Lifestyle Farm sa Orangeville, Ontario. Ito ay isang outdoor concert na magsasalaysay ng ebolusyon ng musikang Filipino sa pamamagitan ng mga awiting kakantahin ng premiyadong tenor na si Sal Malaki kasama si Milee Silverio, Leo Mascarinas at Ernie Silverio.

Kasama din dito ang dinner na ihahanda ng mga foodpreneurs mula sa Kain Tayo! Group na naitatag sa panahon ng Covd-19 pandemia.

Bilang isang organisasyon, inilahad ni Gretchen ang mga serbisyo ng Likha. Ayon sa kanya, ang mga ito ay nakapaloob sa tatlong prinsipyo: Connect. Create. Collaborate. “May malaking oportunidad at puwang pa ang Filipino community upang mag-usap-usap at magkaisa sa ating mga parehong adhikain,” dagdag ni Gretchen na nabibilang sa Kankana-ey at Ibaloi indigenous communities ng Benguet.

Mahalaga para sa Likha na mas mapalalim ang pag-unawa at kaalaman ng mga Pilipino sa sariling kultura na siyang magbubuklod sa lahat. Kabilang sa mga  serbisyo ng Likha ang Project and Program Consulting, Events Production and Management, Grant Writing, at ang paggamit ng espasyo sa Out of the Blue Lifestyle Farm.

Likha Filipino Cultural Hub contact: likhaculturalhub@gmail.com
Website: Likha.ca
FB Page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61577174460609
Instagram: Likha (@likhaculturalhub) • Instagram photos and videos

Contact: Nova Rellosa-De Leon – 416-568-7352

Check Also

Big Turnout for Whitby’s 2nd Annual Philippine Flag Raising Ceremony

On June 20, 2025, Whitby residents, community leaders, members of the University of the Philippines …