Home / Lifestyle / 20 mayor suportado ang HUC status ng CSJDM

20 mayor suportado ang HUC status ng CSJDM

20 mayor suportado ang HUC status ng CSJDM
Rep. Rida Robes is an advocate for mental health.

MANILA, Philippines — Suportado ng lahat ng mga mayors ng 20 munisipalidad at apat na lungsod ng Bulacan ang konbersiyon ng City of San Jose del Monte (CSJDM) ng Lone District bilang Highly Urbanized City (HUC).

Dahil dito, nag-isyu ang League of Municipalities of the Philippines Bulacan ng “manifest of support” para sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan.

“Kaming mga halal na Punong Bayan ng Iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa lalawigan ng Bulacan ay nagkakaisa at buong tibay na sumusuporta sa lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan bilang isang Highly Urbanized City (HUC) sa lalawigan ng Bulacan,” saad sa manifesto na nilagdaan ng 23 LGUs ng Bulacan.

Kabilang sa mga lumagda ay sina Mayors Christian Natividad (Malolos), Glorime Faustino (Calumpit), Ma. Rosario Ochoa-Montejo (Pulilan), Flordeliza Cruz-Manlapaz (Hagonoy), Vergel C. Meneses (Bulakan), at Maryanne P. Marcos (Paombong) ng 1st District;  Francis Albert “Iskul” Juan (Bustos), Ferdinand Estrella (Baliwag); Jocell Aimee R. Vistan-Casaje (Plaridel) ng 2nd District at iba pang mga alkalde.

Nangunguna naman sina CSJDM Mayor Arthur Robes at Rep. Florida “Rida “ Robes sa kampanya para ganap nang maging HUC ang CSJDM na tinukoy ang benepisyo nito hindi lamang para sa kanilang lungsod kundi maging sa buong Bulacan.

Tinukoy ng mga local chief executives ang Local Government Code of 1991 ( Republic Act 7160) Section 452 na nagsasaad na ang isang siyudad na may minimum na populasyon na 200,000 na naninirahan dito na sinertipikahan ng Philippine Statistics Authority at may taunang kita na P50 milyon base sa 1992 constant prices na sinertipikahan ng Treasurer ay maaaring iklasipika bilang HUC.

Ang plebisito para sa HUC ng CSJDM ay itinakda ng Comelec sa darating na Oktubre 30, 2023 kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). — Joy Cantos

Credit belongs to: www.philstar.com

Check Also

This Hamilton couple has spent decades tracking down the real landscapes behind the Group of Seven

Jim and Sue Waddington, now in their 80s, have whitewater canoed, portaged and trekked around …