Home / Headline / Aksyon ng pamahalaan vs inflation bagsak sa 75 porsyentong Pinoy – survey

Aksyon ng pamahalaan vs inflation bagsak sa 75 porsyentong Pinoy – survey

Assorted local products are up for sale at the Kadiwa On-Wheels na Kapitolyo in Lingayen, Pangasinan on February 13, 2024. (Cesar Ramirez/The Philippine STAR)

MANILA, Philippines — Umaabot sa 75 percent o 3 sa apat na Pilipino ang nagsasabing hindi naging maganda ang ginawang aksyon ng pamahalaan para labanan ang inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa.

Ito ay batay sa latest OCTA survey na ginawa noong December 10-14, 2023 sa may 1,200 adults.

Sa naturang survey, nasa 6 percent lamang ang satisfied at 19 percent ang undecided.

Noong October 2023 survey, bagsak din para sa 8% ng mga Pinoy ang ginawang hakbang ng pamahalaan sa pagkontrol sa inflation mula sa dating 14% habang ang dissatisfaction ay naging 11% mula 64%.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority nitong nagdaang Enero ngayong taon, bahagyang bumaba sa 2.8% ang inflation, mas mababa ito sa 4.9% noong October 2023.

Samantala ang satisfaction rating ng mga Pinoy sa ginawang pagkilos ng pamahalaan laban sa kahirapan ay bumaba sa 14% mula 29% habang ang dissatisfaction ay tumaas sa 46% mula sa 31%. Ang nalalabing 40% ay undecided.

Mababa rin sa 33% ang satisfied sa paglikha ng pamahalaan ng trabaho, 31% dissatisfied; sa pagtiyak sa food security ay 34% satisfied at 32% dissatisfied; pagpapababa ng pamahalaan sa kagutuman ay 39% satis­fied at 23% dissatisfied; paglaban sa graft and corruption 41% satisfied, 26% dissatisfied; pagpapababa ng pamahalaan sa buwis 46% satisfied, 17% dissatis­fied; pagtulong ng pamahaalan sa mahihirap, 48% satisfied at 20% dissatisfied. — Angie dela Cruz

*****
Credit belongs to: www.philstar.com

Check Also

Philippine economy grows by 5.7% in Q1 2024

Men pull a trolley of agricultural products along a street in Manila on May 9, …